Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic at Intelligence Group ang isa pang kargamento na naglalaman ng mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P131 Milyon.
Ang pagsamsam sa naturang mga kargamento ay isinagawa base sa utos ni District Collector Maritess Martin na nagpalabas ng Pre-Lodgment Control Orders laban sa mga kargamento na naka-consign sa Russhi Knish Consumer and Proline Logistics.
Sa physical examination nakita ang 3,160 master cases ng mga smuggled na sigarilyo na ang mga tatak ng hindi kasama sa listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga nakarehistrong Importers ng Cigarette Brands.
Kasunod nito, inilabas ang Warrant of Seizure and Detention sa nasabing mga kargamento dahil sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 03 series of 2004, NTA Board Resolution No. 079-2005, at Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Memorandum Circular No. 79-2022, patungkol sa Section 1113 (f) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
BOC


Leave a comment